Villar – Legarda, Umatras Din!
Umatras na rin ang pinakamayamang tandem sa Harapan: The Tandem Debate!
Sa tingin ko ay may dalawa silang rason kung kaya’t napagpasyahan nilang hindi na dumalo sa debate.
Una, si Villar ay hindi marunong sumagot sa mga tanong. Madalas mong marinig ang mga salitang “sipag at tiyaga” kahit wala naman itong koneksyon sa tanong.
Ikalawa, si Legarda ay tila kinawawa sa nakaraang Vice Presidential Debate, kung saan pinag harap ng ABias CBN sina Mar at Loren para lalong umangat si Mar Roxas, ang manok hindi lang ng Liberal Party, kundi pati na rin ng ABias CBN o mas kilala natin bilang ABS CBN.
