AkalaMo.com

AkalaNiya Akala mo petiks, yun pala mali.

Akala mo conyo, yun pala laking Tondo.

Akala mo…

Imposibleng di mo pa napanood ang campaign commercial campaign/commercial ad ni Manny Villar. Pinapakita sa kanyang ad ang mga “nagawa” niya bilang senador. Ang kyut ng commercial. Pero sana kinuha ako ni Manny Villar para sa ad niya, para nasabi kong “Akala ko gagana lagi ang eskalators na overpass na pinagawa niya sa Las Pinas, yun pala HINDI!” kaso masyadong mahaba, baka hindi rin niya tanggapin. Kawawa naman ako… 😦

Hindi ko rin maramdaman ang ComElec. May ComElec ba tayo? Halatang maagang pangangampanya yang ginagawa niya. Hindi lang pala siya, isama mo na sina Roxas at Binay. Sobrang magastos ang pagpapalabas ng mga ads na yan. Kung sana’y ginagamit na lang nila ito sa mas produktibong mga gawain, makikinabang pa sana ang taumbayan.

PS: Ang kyut ng mga nakalagay sa AkalaMo.com! Yihee, pupuntahan niya na!!!

Advertisements

14 Responses to “AkalaMo.com”

  1. Excuse me po, akala ng mga tao ang kahulugan ng salitang “conyo” ay “sosyal” o “elite” o kaya “tisoy” pero hindi! Ang totoong ibig sabihin nito ay “pekpek” pero mas masama pa, as in “cunt.” Ito an pinaka masama o pinaka bulgar na salita sa wikang Kastila, kaya siguro nariring ninyo ang mga Tisoy nagsisigawang “Conyo!” Hanapin sa Google ang true meaning nito, pero gamitin ang true spelling, huwag yung Filipinized version na “conyo” o “conio” kundi yung may enye, as in coño. Malalaman po ninyo na ang tunay na kahulugan nito. Kung naniniwala na kayo sa akin, magsamasama tayong i-educate and masnag Pinoy at ang ating politiko na iwasan ang salitang ito. Tanong ninyo nalang sa Spanish Embassy. Gumagalang po.

    • Pagkabasa ko sa iyong komento ay napa-search ako sa “coño”. Salamat sa komento dahil panibagong kaalaman na naman ito hindi lang para sa’kin kundi para sa lahat. Maraming salamat muli!

  2. Akala mo lang iyon. Akala mo conyo iyon pala demonyo, akala mo me matatakbuhan iyon pala marami ng tinakbuhan. It’s not true that Villar comes from a poor family, it was his father who bought his first truck. and that old house, use your brain, if that’s the original house they used to lived it will be condemned or have been demolished already.
    He’s so arrogant in not facing the senate investigation, why he is so afraid if he is the one telling the truth? Diyan palang makikita na kung sino ang nagsasabi ng totoo. Mas grabe pa kung siya na ang presidente.

  3. ..senator manny villar saludo ako sayo…gusto kita maging paNgulo..

  4. Sa tingin ko mas karapat dapat na maging pangulo c Manny Villar compare sa ibang presidential. With regards naman sa complain sa kanya sa Senate,paninira lang naman un kc un nagcomplain c Mar Roxas at Jamby pareho my interest tumakbo bilang pangulo din. If my evidence talaga cla dapat magfile cla court. Wag gamitin un media at dapat un media maging patas lage!!!D lahat ng napapanood at nababasa natin tama, some media/tv network ay nainfluence rin ng ibang kandidato. Bilang isang butante mamimili ka lang sa mas least na corrupt at my capability na patakbuhin un isang bansa. I choose Manny kc base on his record d naman cya nasangkot sa ibang anomalya sa mga dumaan na taon, now lang kc tatakbo cya for president.If totoo un adds na lumaki talaga sa hirap c Manny Villar malaking advantage un sa mga masang Pilipino, kc alam nya at naranasan nya un mabuhay bilang isang mahirap.

  5. angas naman ng commercial mo manny villar. gumawa ka n lang kaya ng mas produktibong adhikain at i-share mo sa mga Filipino na nag hihikahos sa buhay.. Ang daming mahihirap.. Magkano na ang nagagastos mo sa commercial mo, bakit kaya hindi mo nalang gawin livelihood project yan sa tondo, dati ako taga tondo kaya alam ko buhay dun.. puntahan mo sa dulo ng divisoria, dun ka gumawa ng proyekto, subukan mo yung akala mo..

    Akala mo, baka wala ng pag-asa dun.. subukan mo at baka maging pangulo ka nga!!!

    Baka gawin mong Republic of Camella Homes ang Pilipinas pag ikaw na ang naging pangulo!!

    Wawa naman kami!!! huhuhu!!!

  6. hi. for all this time…. an dami nang tatakbo….. BUt dont worry manny…. my Support and my VOTe will still remain for you…. kc. ang iba dyan they wr forced to run for President…. dba? d naman kailangan na kung instant ang iyong pag sikat you will run for it…. Its the matter of a ryt time.. cguro naisip nila that they are popular. so Takbo nalang din ako…. kc saBi ng taong bayan eh? but they should have to think na…. ay…. gagawin ko bato,, kc kailangan? kaya khit ano man ang mangyayari i will always behind you …My President Manny Villar. And khit ano pa ang sasabihin ng mga critucs about you….. Specially Jambi Madrigal, inggit lang cya…. kc.. she CAn’t afford to pay his own commercial… he he he he…..My regards to your family. and MY PRAY that you will become a PRESIDENT NEXT YEAR>>>.. happy DAY AHEAD>>

  7. Inggit lang kayo. Hoy, kung wala kayo mabuting masabi, wag kayo manira ng tao!!!

    So what kung naging mayaman ang tao dahil sa sipag at tyaga, Kasalanan ba yun?

  8. para sa lahat….

    yng iba dyan cnasabi na sana ginamit nlng nila yng pera na ginastos sa mga ads ng politiko. hahaha!!! yan ang gawain ng mga wlang trabaho at tamad. diba umasa sa kapwa …mali yon. sana magtrabaho kau dami mga company dyan or try nyo kila villar, henry sy, lucio tan at madami pa. indi yng palagi ko nlng naririnig at napapanood sa TV na sana kng ang mga ginastos nila sa Ads eh! sa taung bayan hahaha!!! parang sinasabi ng mga yon eh! madami ng tamad. pede ba ibahin nyo na linya ha!!!. sana nman magrinig ntin iba na. sana ginalingan nila yng ads nila kc sayang kng indi effective hahaha!!! magtrabaho kau at maging matalino sa pag boto ha!!! piliin yng mkakapag bigay ng work at matalino indi yng mana mana lng.

  9. wala naman akon msasabing msama dun sa ads ni manny villar, mganda nga un eh nkikita natin ung mga ngawa na nya. eh kaya naman ung ibang kandidato walang mailabas na ganun ads kasi wala naman silang mga nagawa eh, ano nga naman ang ipamumuka nila sabayan?.. atleast k villar nkikita ntin ung napupuntahan ng kaban ng bayan(mga proyekto). hindi puro papogi lng. lalabas lng kapag eleksyon. higit sa lahat hndi dapat kayo mgalit sa ads nya’ nangaling naman un sa sarili nyang bulsa dba. pag si noy noy ang nanalao walang ibang gagawin un kundi palatan lhata ng pngalan ng nanay nya pti tatay nya ang mga lugar sa pinas. kgaya lng din ng ginawa ng nanay nya. Like MIA turns to NAIA.. project na mlupit… hahahahahaha pinalitan lng ng pngalan.

  10. Isa akong dating seaman for about more than ten year, Pero sa di inanaasahang pangyayari di na ako nakabalik dahil sa karamdaman. Ngayon nagtayo nalang ako ng maliit na business. Tulad ng pangarap ni Manny Villar di nakailangang lumabas ng bansa para magkaroon ng magandang kinabukasan. Dahil sa lahat ng aking nasaksihan sa ibat ibang panig ng mundo bakit kailangan pang lumalabas ng bansa para lang magapaalipin. Isang mapakalaking katanungan ang naglalaro sa aking isipan Bakit ganoon isinilang ba tayong alipin. Sakabila ng pakikipaglaban ng ating magulang patuloy parin dumadayo ang ating mga kababayan upang magpaalipin sa ibang lahi. Kung kaya ng marinig ko sa labi ni Manny ang tungkol sa mga nangingibang bayan para magkaroon ng magandand bukas ay sisikapin nya sa kanyang panunungkulan ng di na ito kailangan at ito ang matagal ko ng pangarap. Ngayon 38 na ang age ko, ngayon ko palang magagamit ang aking karapatan. Tanging dalangin ko sa paggamit ko ng aking karapatan hindi ako mabigo sa aking pipiliing bagong PANGULO….

  11. sir manny isa po akong tagahanga nyo .marami po ng sisi kung bakit nila binoto c noynoy aquino dahil sa wala naman pala itong magagawa maganda solusyon sa bansa natin .napakasayang naman at hindi kayo pinagbigyan .sa pag gastos nyo sa campaign tama lang naman dahil yun lang naman ang paraan para kayo makilala di tulad ng iba sikat lang cla.kaya adv.keep up the good work my president.

  12. meron lang ako gusto ipaalam na nalulugi na po mga negosyo ng kapwa natin pilipino dto sa mga veg.dealings dahil sa mga imported vegs.na walang permit kawawa naman din cla.lumalaban ng parehas at patas sa laban sana mabigyan nyo ng action dyan sa div.at dto sa mindanao.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: