Manny “Tondo Boy” Villar, nanguna sa SWS survey. Mar “Mr. Palengke / Mr. Padyak” nasa ikatlong pwesto.

villar

Si Manny “Tondo Boy” Villar ang nanguna sa mga presidentiables para sa 2010 ayon sa SWS survey ngayong ikalawang kwarter ng taon. Hindi na ito nakagugulat o nakapagtataka sapagkat matagal na talagang kilala si Villar ng publiko.

Sunod naman kay Villar ang dati nating pangulo na kung matatandaan ay ipinatalsik sa pamamagitan ng EDSA Dos at nakulong sa kasong Plunder at pagkalaya ay nangakong hindi na muling tatakbo na si Erap Estrada (25%).

"Mr. Palengke-slash-Mr. Padyak"

Hindi naman papahuli si Mar “Mr. Palengke – slash – Mr. Padyak” sa survey. Nasa ikatlong pwesto si Mar Roxas (20%). Bumaba naman sina Legarda at De Castro (yihee…) sa survey. Napunta sa ika-apat na pwesto si De Castro (19%) at si Legarda (15%) naman ay napunta sa ikalimang pwesto.

Nasa listahan pa rin naman sina Lacson (7%) at Binay (4%). Nakakuha naman ng tig – iisang porsyento sina Gordon, Bayani at PGMA. Ang iba pang mga napupusuang maging pangulo ay sina Teodoro, Pangilinan, Panlilio, Pangilinan, Trillanes, Villanueva at Santiago.

Reaksyon ko sa balitang ito: Epektibo pa rin pala ang mga “commercials-slash-campaign ads” sa telebisyon. Kung matatandaan niyo, noong 2007 ay araw-araw mong makikita at mapapanood ang campaign ad ni Pichay (Itanim sa Senado!). Pero nanalo ba siya? Sina Trillanes at Honasan, mga Senador ngayon na hindi, o kung meron man, ay kaunting campaign ads lamang, pero pareho silang nanalo. Kaya simula noon ay nabago na ang pagtingin ko sa mga commercial/campaign ads. Ngayon, bumabalik na naman tayo sa dati.

Advertisements

3 Responses to “Manny “Tondo Boy” Villar, nanguna sa SWS survey. Mar “Mr. Palengke / Mr. Padyak” nasa ikatlong pwesto.”

  1. mas maganda kung si senator legarda ang mananalo na presidente kasi cya lang naman ang tunay na tumutulong sa mga mahihirap nating kababayan lahat ng politiko jan pakitang tao lang sila lahat sila tarpo…. thtas it loren go.go. go….. loren

  2. tama si senator loren legarda lang ang tunay na maasahan sa panahon ngayon sino ba sa kanila ang nag iisip ng para sa bayan wala naman kaht isa tanging si LOREN LEGARDA lang…..

  3. WALANG KWENTA YAN SI MANNY VILLAR TINGNAN NYO HA LAHAT NG SIMPLENG GAWA IPANGALANDAKAN BA NAMAN LAGE SA TV SI LOREN NAPAKADAMI NG GAWA AYAW NYA SABIHIN KASI HINDI XA PLASTIK GAYA NI VILLAR, NOY, ROXAS, LALO NA SI NOLI MANDARAYA YANNNN


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: