SONA 2009

yihee Inanunsyo na sa telebisyon na walang pasok sa Lunes dahil sa State of the Kasinungalinan Nation Address. Kaya siguro walang pasok sa Lunes para mapanood ng lahat ng mga Pilipino ang kasinungalingang sasabihin niya. Ano kamo? Halimbawa ba hinihingi mo? Sige ito: umaangat ‘daw’ ang ekonomiya, mas marami ‘raw’ ang nabigyan ng trabaho, marami ‘raw’ napaayos na kalsada, marami ‘raw’ napatayong mga eskuwelahan, marami din ‘daw’ napaayos at napagawang patubig at napakarami pang iba.

Hinamon ni dating Bise Presidente Teofisto Guingona na ‘sabihin ang tunay na lagay ng ating bansa’ sa mga Pilipino dahil yun naman talaga ang dahilan kung bakit tayo may “State Of the Nation Address”. Tama nga naman si dating BP Guingona, bakit niya kailangan mag sinungaling sa buong bansa, bakit ‘di na lang niya sabihin ang tunay na lagay ng ating bansa; ang krisis sa langis, patuloy na pagtaas ng mga bilihin, kagutuman, mga pinangakong proyekto, kulang na mga silid aralan, korapsyon at marami pang iba.

Mahilig akong magsaliksik ng mga iba’t ibang mga bagay, lalo na tungkol sa ating bansa. Marami rin ang nalaman tungkol sa mga naganap na eleksyon sa ating bansa, at isa na doon ay ang pagiging sikat sa mga Pilipino ni Arroyo… noon. Pero nakakapanghihinayang dahil sinayang niya ang tiwalang ibinigay ng mga Pilipino noon sa kanya. Kung ginawa niyang inspirasyon sana ito para lalong pagbutihin ang kanyang malaking tungkulin para sa ating bansa, wala sana tayong problema. Maunlad sana tayo at maganda ang ekonomiya. Pero hindi iyon ang nangyari, at dahil ilang buwan na lamang ang kanyang itatagal bilang pangulo (kung hindi siya maghahangad na pahabain ang kanyang termino) ay siguradong ‘di niya mapapaunlad ang ating bansa. Kung sa nakalipas na mahigit 8 taon niyang panunungkulan sa ating bansa bilang ating Pangulo ay wala tayong nadamang pag-unlad, sa nalalabi pa kaya niyang 8 buwan?

Advertisements

No Responses to “SONA 2009”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: