Erap, Baka Tumakbo sa Pagka Pangulo sa 2010

erap“I am accused of misgovernance. Many of those who accuse me of it left me the problem of their misgovernance to solve. And we did it. We can read their frustrations. They had the chance to serve this good country and they blew it by serving themselves. Those who live in glass houses should cast no stones. Those who should be in jail should not threaten it, especially if they have been there.” – PGMA

Magaling talaga sa banatan si Pangulong Arroyo. Pero totoo naman ang linya niyang “Many of those who accuse me of it left me the problem of their misgovernance to solve”, na sinisigurado kong pwedeng pwede ring sabihin ng susunod na Pangulo ng ating bansa. Totoo ang linyang iyon dahil mayroon naman talagang mga problemang idinulot sa ating bansa ang panunungkulan ni Erap. Hindi ko tuloy maintindihan kung totoo ba talaga o hindi ang mga nakalagay sa mga surveys ng SWS.

Pangalawa si Erap sa mga napupusuang maging Pangulo ng mga Pilipino ayon sa SWS. Matagal na akong nalilito kung bakit siya nasasama sa listahan ng mga kandidatong nagugustuhan ng mga Pinoy na pumalit kay Arroyo. Kung ako ang tatanungin, sasabihin ko na ang gusto kong maging pangulo ay wala nang iba kundi si – – ay, wala pa nga pala akong napipili.

Napatalsik si Erap ng taumbayan. Taumbayan din ang nagpatalsik kay Marcos. Noong binigyan si Erap ng pardon ni Arroyo, sinabi pa ni Erap na pasalamatan natin si Arroyo dahil sa pagbibigay sa kanya ng executive clemency. Nangako rin si Erap na hindi na siya magkaka – interes tumakbo sa kahit anumang posisyon sa 2010. Pero anu – ano na nga ba ang nangyayari?

Advertisements

2 Responses to “Erap, Baka Tumakbo sa Pagka Pangulo sa 2010”

  1. wala kasi silang isang salita…pare-pareho ang leaders natin na anu…sekret.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: