Arroyo – Obama [Kung May Nambobola (Obama), May Nagpapabola (Arroyo)]

Ala – sais na ng gabi. Nabuburaot na ako sa aking upuan dahil dapat bago mag 5:30 PM ay nakatugtog na kami. Tumatakas at umaalis na ang iba. Pero ‘di pa kami nakakatugtog sa birthday bash na iyon. Ako ay nagdala ng gitara at beatbox, at dalawang banda ang gagamit, at isa na kami doon kaya’t okay lang sakin. Tulad ng una kong sinabi, ala-sais na. At yung isang banda lang tumugtog, hindi kami nakatugtog. Nasayang lang ang pagod ko magbitbit ng dalawang instrumentong iyon.

Sumakay ako ng bus. At tulad ng kahit anong bus, nasa GMA7 ang palabas. Umiiyak sa eksena sina Kris Bernal at Aljur Abrenica. Ako naman, walang paki – alam. Hindi naman kasi ako nanonood nun, at isa pa, badtrip ako. Sobra. Matapos ang ilang minuto, 24 Oras na. Pinakita agad nila na nagkausap na sina Arroyo at Obama, at puro papuri si Obama kay Arroyo. Isang dahilan para bumango ang pangalan ni Arroyo sa napakaraming bansa.

Nanood pa ako. At nanood. Hanggang umabot na ako sa Casimiro. Pagkarating ko ng bahay, nagbihis ako at nagpahinga, at binuksan ang kompyuter. Nabasa ko dito ang mga sinabi ni Obama kay Arroyo. Siguro ay tuwang tuwang tuwa si Arroyo sa mga pinagsasabi sa kanya ni Obama. Pangulo ng Estados Unidos si Obama, at kilala siyempre sa buong mundo, at dahil sa mga sinabi niya kay Arroyo, babango ang pangalan ni Arroyo sa iba’t ibang mga bansa.

“I am very pleased that President Arroyo has made such good progress on dealing with counterterrorism issues. She has initiated a peace process in Mindanao that we think has the potential to bring peace and stability to a part of the Philippines that has been wracked by unrest for too long.” – Obama

Ayos. Kaya pala ang daming nakidnap sa Mindanao, kasama na dun ang mga International Red Cross Volunteers. Hindi ko alam kung nambobola lang ba si Obama, o talagang hindi niya nabalitaan kahit kailan ang tungkol dun.

“She has expressed great friendship towards the United States, and aside from her great personal charm we are very appreciative of the concrete ways that her administration has pursued strengthening ties with the United States, so I’m very grateful for that.” – Obama

Totoo ang pahayag niyang ito. Sa sobrang pakikipagkaibigan ni Arroyo sa Estados Unidos ay napalaya pa si Daniel Smith. Tatlong babaeng hukom sa Court of Appeals ang humatol na mali ang “Guilty Beyond Reasonable Doubt” na unang inihatol kay Smith. Hindi na rin nakapagtataka dahil nasa Estados Unidos na ngayon si Nicole at doon na rin daw maninirahan. May bagay na pumasok sa aking isipan kung bakit niya biglang sinabing hindi na siya sigurado sa mga nangyari dati (at nakatira na nga si Nicole sa Estados Unidos) at pinawalang sala naman si Smith ng Court of Appeals. Ganito kabait si Arroyo sa mga Amerikano.

Advertisements

No Responses to “Arroyo – Obama [Kung May Nambobola (Obama), May Nagpapabola (Arroyo)]”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: