Hale – Kundiman Album Review

kundimanBakasyon ng taong 2008 nang makarinig ng bagong awitin ang mga tao. Isang masayang awitin at pagkarinig ng aking mga kaibigan ay tinanong nila kung “Hale ba talaga iyon?” at ang iba naman ay binigyan ng ibang titulo ang nasabing kanta; ang dapat na “Pitong Araw” ay tinawag nilang “Kahit Pa Part 2”. Ang “Leap of Faith” ang naging ikalawang single ng Hale; at huling music video kasama si Omnie. Kung inyong mapapansin sa dulong parte ng music video ay pinakitang umalis si Omnie. Nagdaan ang maraming buwan at hindi naglabas ng music video para sa “Over and Over (And Over Again)” na ikinalungkot ko dahil isa itong kantang alam kong kagigiliwan ng marami. Bumawi naman ang Hale sa ikatlo nilang music video para sa AOB, ang “Sandali Na Lang”. Sumikat ito hindi lamang sa dahilang ‘maganda ang kanta’ kundi dahil na rin sa napakaganda nitong music video. Nalungkot ako ng i-anunsyo ni Champ na ang Sandali Na Lang ang huling single nila para sa AOB.

Buwan ng Mayo ng malaman ng maraming mga Halers na “Bahay Kubo” ang pamagat ng unang single mula sa kanilang pinakahihintay na ika – apat na album (na noong petsang iyon ay wala pang pamagat). Maraming nagbukas ng kani – kanilang mga radyo noong Hulyo 13 (tama ba?) dahil maririnig sa lahat ng istasyon ng radyo ang buong bersyon ng Bahay Kubo. Maraming namangha at nasiyahan, at isa na ako doon. Namangha ako lalo na doon sa parte ng adlib.

Hulyo 27 at walang pasok, at nagkaroon ako ng pagkakataong pumunta sa mall at bumili sana ng Kundiman pero badtrip, sa tatlong sari – sari store na pinuntahan ko, lahat ay wala pang Kundiman. Agosto 1 ko na nabili ang Kundiman. Pagkauwi ng bahay ay pinatugtog ko agad ito.

Ibang iba ang plakang ito, parang pinagsamang Hale Self – Titled at Above, Over and Beyond tulad ng Magkaibang Mundo, na paboritong kanta, ay parang pinagsamang Sandali Na Lang at Kung Wala Ka.

Namangha ako sa Bahay Kubo, Kalesa, Aso’t Pusa at Magkaibang Mundo. Sa totoo lang, ang lahat ng mga awitin sa album nila ay maganda pero ang apat na kantang iyon. Para sa aking paghuhukom sa bawat awitin:

1. Bahay Kubo (5 / 5) Mas maganda sana kung nadagdagan ng lyrics pagkatapos ng adlib, tulad ng sa Kahit Pa (‘DI ko man hawak ang panahon…) pero maganda ang pagkakagawa ng kantang ito. Ang pinaka nagpaganda sa awitin ito ay ang drums at gitara. Maganda rin ito bilang unang single ng Kundiman ngunit pwede rin naman ang Kalesa. Hindi tulad ng Pitong Araw (na unang single sa AOB) ay wala itong katunog na ibang kanta ng Hale sa mga nauna nilang album. Tulad ng sinabi ko sa unang bahagi ng review na ito, tinawag ng ilan kong mga kaibigan ang Pitong Araw bilang Kahit Pa Part 2. Sa kabilang banda, ang Bahay Kubo ay walang kapareha o katunog na ibang kanta ng Hale. Sana ay maging matagumpay ang Bahay Kubo hindi lamang sa radyo, kundi pati na rin sa MYX at MTV.

Paboritong linya: “Hindi kita iiwan, yakapin mo ako…”

2. Kalesa (5 / 5) Isang masayang awitin na para sa akin ay tinalo pa ang Pitong Araw at Kahit Pa. Malamang – lamang ay kung tungkol sa pag – ibig ang lyrics nito ay tatawagin naman itong Kahit Pa Part 3. Maganda rin kung ito ang naging unang single, pero hindi ko naman sinasabi na mali ang pagpili sa Bahay Kubo. Ang tema ng Kalesa ay saktong sakto para sa Kundiman. Bagamat kulang sa lyrics, nabawi naman ito sa ganda ng boses dito ni Champ.

Paboritong linya: “Ihataw natin, hindi tayo hihinto. Lahat ay maligalig, hindi mapapagod…”

3. Aso’t Pusa (4.5 / 5) Nagulat ako sa lyrics ng kantang ito. Kung hindi Hale ang umawit ng kantang ito at sinabi sa aking si Champ LuiPio ng Hale ang nagsulat ng awiting ito,hindi ako maniniwala. Kasama niya kaya si Rico Blanco (na kasama nila sa Treehouse Productions) sa pagsulat ng kantang ito o na – impluwensyahan siya ni Rico Blanco? Ang ganda ng kantang ito at angkop maging single. Kung fan ka ng Rivermaya (tulad ko) o kaya ni Rico Blanco (tulad ko ulit!) ay maaalala mo ang awiting “Huwag Na Init Ulo Baby”.

Paboritong linya: “Pa – hug naman, pa – kiss naman diyan…”

4. Ulap (3.5 / 5) Tulad ng nasabi ko sa Bahay Kubo, wala ka rin akong naalalang mga naunang awitin ng Hale na katunog ng Ulap. Ang sarap pakinggang ng “Ooooh…” at ng “Sabay tayong lumipad…”.

Paboritong linya: “Sabay tayong lumipad…”

5. Magkaibang Mundo (5 / 5) Pagsamahin mo ang Sandali Na Lang at Kung Wala Ka at ito ang kalalabasan: “Magkaibang Mundo”. Ayos din ito bilang unang single ng Kundiman. Kung ang Kalesa ay angkop maging unang single dahil sa tema ng awiting ito at tema ng Kundiman, ang Magkaibang Mundo naman ay angkop naman maging unang single dahil isa itong literal na “Kundiman”. Napakaganda ng pagkakagawa ng awiting ito. At tinalo pa nito ang para sa aki’y pinakamagandang tagalog na awitin ng Hale, ang “Kung Wala Ka”. Para sa akin, isa ito sa pinakamagandang awitin sa Kundiman.

Paboritong linya: “Nasan ka man ngayon, sana’y mabuti ka. Magkaibang mundo, sana’y maisip mo rin ako.”

6. Bulalakaw (2.5 / 5) Tagalog ng shooting star. Masyadong naging malungkot ang kantang ito kung kayat hindi ko masyadong nagugustuhan. Siguro ang isa pang dahilan kung bakit hindi ko ito masyado magustuhan ay katabi nito ang Magkaibang Mundo. Sa katunayan, nakaka relate ako sa kantang ito. Pero wala akong balak ikwento ang buhay pag – ibig ko dito dahil isa itong review. =] Intindihin niyo ang kanta, at baka makarelate din kayo.

Paboritong linya: “Sa muli nating pagkikita, ako ay matiyagang maghihintay sa iyo…”

7. Yakap (3 / 5) Naalala ko ang “Dahil Sa’Yo Sa Himig ng Aking Gitara” dahil sa linyang ito: “Ngunit nawaglit sa aking isip, ang layo mo pala sa akin”. Nakapagpawala ng stress ang kantang ito dahil masarap itong pakinggan; pero para sa akin ay mas masarap pakinggan ang susunod na awitin.

Paboritong linya: “Ngunit nawaglit sa aking isip, ang layo mo pala sa akin”

8. Harinawa (4 / 5) Gustong – gusto ko ang pagkakagawa nila sa kantang ito. Mabagal at tahimik sa unang bahagi ngunit pagkatapos ng adlib ay biglang liligaya ang awitin at pinaganda pa ng mga huling linya. Perpekto itong kantang ito para sa mga nawawalan ng pag – asa o sa mga naghahanap ng inspirasyon.

Paboritong linya: “Darating, darating ang bukas…”

Panlahatang grado: (4 / 5)

Karamihan sa mga kanta sa plakang ito ay bagay na bagay bilang maging theme songs sa iba’t ibang palabas pati na rin sa mga pelikula. Kung mahigit sa walo lamang sana ang bilang ng mga awitin dito ay kaya nitong tapatan ang Hale Self – Titled. Panalo naman ang Kundiman laban sa Twilight at sa Above, Over and Beyond. Inaasahan kong may mababasa akong ‘Omnie Saroca’ sa mga pasasalamatan ng bawat miyembro pero nadismaya ako ng wala akong nakita kahit ‘Saroca’ man lang.

Nabasa ko dito na maglalabas sila ng kanilang ikalimang album sa susunod ng taon. Sana ay maka – apat o makalima silang singles para sa Kundiman. Nadismaya kasi ako ng tatlo lang ang inilabas na singles sa AOB.

Kung ang kaibigan mo ay hindi Haler, payuhan mo siyang making naman ng OPM at pakinggan ang Kundiman at sabihin mo sa kanyang siguradong hindi siya madidismaya sa plakang ito.

Huling Tanong: Kung apat ang napagdesisyunan nilang bilang ng magiging singles, at ikaw ang napiling pumili ng apat na kantang gagawin nilang singles, ano ang apat na awiting iyon?

*Ikaw na rin ang pumili sa unang single at tandaan na ang ikatlong single ang pinaka importante (ayon sa pamahiin ng matatanda).

Para sa akin, ito ang pipiliin ko:

  • Kalesa
  • Aso’t Pusa
  • Magkaibang Mundo
  • Bahay Kubo

Alin ang sa iyo?

Advertisements

36 Responses to “Hale – Kundiman Album Review”

  1. Very good!

    ang tiyaga mo mag-blog.
    ang galing at nakakatuwa:)

    keep up the good work:)

  2. kahit 8 lang yung mga kanta nagenjoy ako sa album.
    sulit!

    gusto ko ang mga kantang:
    harinawa
    aso’t pusa
    magkaibang mundo

    magandang single and bahay kubo para sa akin, kasi napakasarap pakinggan. medyo bitin nga lang ang lyrics.

    sana sa next album nila magblog ka uli.

    “One for hale, hale for all!”

    • Asahan mo na sa ika-apat na album nila’y may review pa rin ako. =] Pati na rin sa mga susunod pa nilang mga plaka.

  3. kung ako ang papipiliin ng magiging singles nila..
    ito ang ang aking pipiliin:
    -bahay kubo
    -kalesa
    -aso’t pusa
    -ulap

    • Maganda rin ang Aso’t Pusa bilang ikatlong single dahil maninibago ang lahat ng tao dahil sa ‘kakaibang’ lyrics ng Aso’t Pusa. =]

  4. Maganda ang iyong mga nagawang rebyu!
    Ang galing! 🙂 Sana sa susunod na plaka,
    gawa ka ulit ng rebyu. 🙂 Maganda talaga!
    Perfect! 🙂

    • Tuwang tuwa ako kapag mayroong mga bagong komento, lalo na ng mga komentong tulad ng sa iyo. Maraming salamat!

  5. pde mag tanung umm bakit napalitan ng drumer tas si pao na ung bago nila??

  6. auh? talaga ganun ba tnx sa info auh?? nung napanuod ko na kasi ung new vid nila medyo ayon nanghinayang kasi nawalan nang original member napalitan ng bago , but atleast kahit papanu mukang magaling nmn ung new member.. tnx ulit.. san moh pla nabalitaan un??

    • Matagal na po kasi akong kasama sa yahoogroup ng Hale. Nagbakasyon lang po talaga noong una si kuya Omnie ngunit nagbago ang kanyang isip at yun na nga ang nangyari. =]

  7. ganun ba tnx ulit auh:) napanuod moh na ba ung official music vid ng bahay kubo??

  8. magkano po ba yung “kundiman” ng hale?? balak kong bumili last week pa eh. mag ka idea lang.. :))

  9. ..huhuhu! sabik na ko mapakinggan mga tracks ng “KUNDIMAN”
    kaso wala pa din sa mga music stores dito sa amin!
    sino po may alam ng website na pwede mapakinggan ung
    buong “KUNDIMAN” album?

    • Maghintay ka na lang sa album. Para ka kasing nagtatanong ng “saan pwede madownload ang buong Kundiman album”. Wag po nating suportahan ang piracy.

  10. yah. i saw it earlier sa odyssey.. i was going to buy sana the “Kundima” but then i saw “Above, over and beyond” eh hindi ko pa nabibili yun. hihi.. maybe next2 week na ako makakabili. wala lang 🙂 nakapunta ka po ba sa album launching nila kahapon??

    • Hindi ako nakapunta. Friday kasi at 5PM pa ang uwian ko. Nakakalungkot nga eh, kung Sabado o Linggo sana nila ginawa ang album launch, siguradong nakapunta ako. =[

  11. pero ako merun nang mga music ng kundiman punta ka lng sa youtube andun kasi pag ka roon koh ng mga songs ng kundiman i nupload koh agad sa account koh madali lng nmn makuha ung songs kahit na nakalagay pa sa youtube

  12. nyahhaa ito nmn… di na nabiru nag ganun agad

  13. Pinakapaborito ko ang Ulap. Inspirasyonal kc bagay kapag ngkaroonk ng problema.
    Pag di mo makita ang iyong langit tumingin ka lang s Ulap.Tama tlga ang payo.

  14. ang sarap ng pakiramramdam pg nakatingin ka s langit. mawawaglit kung ano mn ang iyong problema at mabgyan ka ng pg asa.

  15. nice!!!

    ur very honest…

    galing sa puso m0..

    goodjob..

    Godbless…

  16. ganda naman ng site mo. pinoy na pinoy!

  17. Ang ganda ng album na to. Kung irarank ko album nila,eto ang order:
    1. Kundiman
    2. Above over and beyond
    3. Hale
    4. Twilight (napaka emo)
    If ako pipili ng singles nila,eto
    1. Bahay kubo
    2. Aso’t pusa
    3. ULAP
    4. Kalesa
    5. Bulalakaw
    Fave ko yung Ulap. Sabay tayong lumipad.ganda ng melody..
    Kaso lahat yata ng kanta sa kundiman kinapos ng lyrics. No bridge or refrain. Just a pure plain lyrics ng tipikal na kanta. But nakabawi sa tono. Lulupet. Bigat nung adlib ng bahay kubo.

  18. cnu s inyo my gus2 ng “Underneath the Waves”,un song nla s 1st album???

    ^^

  19. Gusto ko Aso’t Pusa maging single. Nakakatuwa. xD

    But for me, Kundiman is their weakest album, musically. From lyrics to the guitars, the only thing saving this album from sounding awful are the melodies.

    I like the first album because, as we all know, every song is beautifully crafted.

    Twilight, despite some fans branding it as “emo” or too sappy, is their best album in terms of technicality. The great parts are the guitars and drums in Hide and Seek, the bass lines in Eyes Wide Shut, the melancholy of Dahil Sa’yo Sa Himig ng Aking Gitara and Shooting Star, plus the experiment with electronic beats in 7,8.

    Above, Over and Beyond was Hale’s “branching out” from their own “melodrama” genre. They still made exceptional slow tracks like Requiem and Treehouse, but the lighter and upbeat tunes sounded great!

    Sa Kundiman, well, nothing more than catchy choruses.

    Sana surpresahin nila tayo sa susunod nilang ilalabas na plaka.

  20. kuya ko super idol nya ang hale…pagnagka album agad ang
    hale..bili sya kaagad
    laht ng album ng hale
    nxa kanya laht..
    kya kming mga
    kaptid nya
    npagya nsa
    hale/..

    e2 lng ung pinkagz2 q…

    •magkaibang mundo

  21. astig ang new s0ng ng hale thumbs up^^

  22. Una Sa lahat,
    nakakatuwa ang writer ng Blog na ito….napangiti mu ako sa mga kumento mo sa bawat kanta ng Hale dito sa Kundiman,..at kahit pa ngayun ko lang ito nabasa paglipas ng ilang taon na kung saan nabuwag na at nabuo muli ang bandang HALE, gayunpaman
    Ang Aking Pinakapaborito sa Kundiman, syempre lahat gusto ko basta Hale..haha

    1. KALESA –> Ang Ganda ng Intro, Nakakaingkanyong pakinggan… etc
    2. ULAP –> Nakakatuwa, nakakarelax, ang ganda ng lyrics, ang lalim…
    3. HARINAWA –> Nageemote ako kapag pinapakinggan ko ito, hehe
    4. YAKAP –> relaxing,,, lalo na kapag before bedtime…

    kung may Ikalima
    5. ASO’T PUSA –> Ang ganda ng Chorus, lalo na yung Ahhhhh…sot pusa
    Goodluck sa Next Album this 2015
    HALERS FOREVER…


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: