Dating Pangulong Cory Aquino at Ang Apat (4) Niyang Sundalo.

soldiersSigurado akong napanood ninyo ang tungkol sa libing ng dating Pangulong Cory Aquino. At napansin niyo din na may apat na sundalong nababantay sa kabaong ng dati nating Pangulo. Pero napansin niyo ba na sila na ang nakabantay simula pa noong umaga ng Agosto 5 hanggang dumating sa Manila Memorial Park?

Alam niyo ba kung ano ang kani – kanilang mga pangalan? Sila ay sina PO1 Danilo Maalab, Pfc. Antonio Cadiente, Airman 2nd Class Gener Laguindam at Petty Officer 3 Edgardo Rodriguez.

Kung tayo nga ay hindi lang maka – upo ng ilang minuto ay nagrereklamo na tayo na masakit ang ating mga paa, na nangangawit na tayo pero ang apat na sundalong nakabantay sa kabaong ni dating Pangulong Corazon “Cory” Aquino ay hindi man lang gumalaw sa loob ng 8 oras.

Kung matatandaan niyo ay noong Miyerkules, Agosto 5, ay patigil – tigil ang ulan. Pero naglabas ba sila ng payong? O nagsuot ng jacket? o biglang tumakbo papalayo? Hindi. Samahan mo pa ng mga taong nakapalibot sa kanila. Ni hindi nga sila lumilingon.

Mas mahirap pa ang tumayo ng 8 oras; hindi lumilingon, kumakain, umiinom o kahit ano pang bagay na gustong gusto na nilang gawin kaysa maglakad ng 8 oras. Saludo ako sa ginawa nila, lalo na at ginawa pa nila ang bagay na yan sa isang taong talagang nirerespeto, minamahal at pinupuri ng bawat Pilipino.

Muli, saludo ako sa inyo PO1 Danilo Maalab, Pfc. Antonio Cadiente, Airman 2nd Class Gener Laguindam at Petty Officer 3 Edgardo Rodriguez!

Advertisements

No Responses to “Dating Pangulong Cory Aquino at Ang Apat (4) Niyang Sundalo.”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: