Arroyo, Magpaliwanag Ka Sa $20 000 na Halaga ng Pagkain.

nypostSaan galing ang $20000?! Hindi ba’t sinabi niya noong SONA na mas maginhawa ang ating pamumuhay?! Ibig sabihin ba nito ay wala nang nagugutom sa ating bansa kung kaya’t ayos lang na ganyang kamahal ang kanilang pagkain?!

Katas ng Buwis. Yan ang kasagutan sa mga tanong na “San kaya nila kinuha yung ganyang kalaking halaga?”. Sa Le Cirque lang naman sila kumain, isa sa Top 40 Restaurants sa Estados Unidos. Ang nasabing restaurant ay may mamahaling mga wines na hindi bagay para sa kanila hindi lamang dahil sa kaban ng bayan nila kinuha ang salapi kundi dahil na rin sa naghihirap ang ating bansa.

Nasa isang Third World Country tayo, tapos ang Pangulo ng ating bansa ay nagsasayang ng buwis na binabayaran ng bawat Pilipino. Bakit ganito? Ang lakas – lakas niyang magparinig sa mga kalaban niya sa mga politika, pero ang sarili niyang mga kamalian, hindi niya pinapansin. Bakit hindi niya kaya sabihin ang kanyang mga kasalanang ginagawa noong SONA? Dapat ay hindi lamang mga kamalian ng iba ang kanyang pinapansin, sana pinapansin niya rin ang kanyang sariling kasalanan. Mga kasalanang mas mahigit pa sa kanyang mga sinabi tungkol sa kanyang mga kalaban. $20 000 ang halaga ng nasabing kain, halaga na kung tutuusin ay makatutulog ng malaki sa mga naghihirap na Pilipino. Kung ginamit nila lang sana ito sa mabuting paraan ay mababawasan pa ang mga nagugutom na pamilyang Pilipino.

Kailangang si Pangulong Arroyo ang magpaliwanag sa sambayanan, hindi ang mga tauhan niya. Pero kung siya ang haharap sa madla, sana ay hindi na siya mag “I AM SORRY” sapagkat ang mga taong may karapatan lamang magsabi ng salitang ‘sorry’ ay ang mga taong totoong humihingi ng kapatawaran, hindi yung nagso – sorry lang ng basta – basta, tulad ng kanyang paghingi ng tawad noon.

Advertisements

No Responses to “Arroyo, Magpaliwanag Ka Sa $20 000 na Halaga ng Pagkain.”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: