Petition to Oust Willie Revillame

willie“Hay nako. Pangit. Hindi maganda ho sa atin nagsasalita pinapakita yung kabaong ni Tita Cory. Di ba? Paano kami magkakapagsaya nahihirapan kami? I’m sorry ho ah pero ako totoo ako eh. ‘Wag niyo akong papagalitan … Pagkatapos ng show pakita niyo ‘yung gusto niyong ipalabas. Kasi itong Wowowee gusto ko at alam din ni Tita Cory ‘yan kasi napasaya din siya ng show na ito na laging masaya dito. Okay? Sa sitwasyon na ito, kung may nasaktan ako, I’m sorry. Sa pamilya Aquino, alam ng buong pamilya Aquino, wala akong masamang intensyon doon.” – Willie Revillame, Wowowee

Wala nga naman siyang masamang intensyon nang kanyang sabihin ang mga katagang iyong, ‘masamang masama’ lang naman ang kanyang intensyon. Hindi lang din basta basta ang taong kanyang binastos, dating Pangulo iyon na minamahal ng lahat ng mga Pilipino. Hindi lang din basta basta niya sinabi ang mga katagang kanyang binitawan, nilagyan niya din ito ng drama para magmukhang ‘malinis’ ang kanyang intensyon ng kanyang sabihin iyon.

Maari niya naman kasing ipatanggal ang nasabing video habang nagco-commercial. Ang mali sa kanyang ginawa, ay pinatanggal niya ito on – cam at nagdrama pa siya habang sinasabi niya iyon. Pinalakpakan pa siya ng mga tao. Para bang ang pagpalakpak nilang iyon ay nangangahulugang “Tama ka Willie! Tama ang mambastos! Lalo na’t buong bansa pa ang nagluluksa pa ra sa kanya!”

Hindi kasi tama na magsabi ka ng mga ganoong salita sa harap hindi lamang ng buong Pilipinas, kundi ng buong mundo. Nagluluksa ang lahat sa pagkamatay ni dating Pangulong Aquino, tapos ganoon ang mga salitang bibitawan mo? Tapos gustong gusto mo pang papalakpakan ka? Ang mga audience naman ay parang pinalakpakan ang isang masamang gawain.

Para sa akin, hindi pa tapos ang nagawa niya sa Ultra Stampede. Walang nagkasala sa insidenteng iyon. Dapat nga siya ang managot doon dahil sa ang nanghikayat sa mga tao na pumunta sa Ultra. Pero ano nang nangyari sa kaso? Walang nagkasala. Kakaiba talaga ang ating korte ngayon, kung sino ang nagkakasala, siya ay hindi napaparusahan. Karamihan naman sa mga nakakulong, kulang sa ebidensya, o kung minsan pa ay wala talagang kasalanan.

Ngayon, may panibago na namang kontrobersiya siyang sinimulan. Ayos talaga mag acting si Willie.

Ang petisyon na ito ay nanghihikayat na paalisin sa Willie. Kung nabastos ka sa kanyang sinabi, mag sign ka na din. Kung fan ka naman ng Wowowee at ni Willie Revillame, sige, magkomento ka at ipagtanggol mo siya, para mo na ring pinagtanggol ang mali.

Walang kapuso ngayon o kapamilya. Basahin mo ang kanyang mga sinabi, pag isipan mo nang mabuti kung tama ba ang naging aksyon niya, bago ka magkomento dito ng “*UCK YOU! HINDI MASAMA SI WILLIE!”.

Advertisements

No Responses to “Petition to Oust Willie Revillame”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: