Mar Roxas – Noynoy Aquino Para sa 2010?

mar-noynoyParehong anak ng mga politiko. Parehong bunga ng politika. Parehong taga Liberal Party. Roxas at Aquino na nga ba ang tandem na kakikiligan mangunguna sa Liberal Party?

Silang dalawa na kaya ang susuportahan ng mga Pilipino?

At ang pinakamalaking katanungan na gumugulo sa isipan ng lahat: sasakay na rin kaya si Noynoy sa pedicab?

Si Mar Roxas, na anak ni dating Senador Gerry Roxas, at apo ni dating Pangulong Manuel Roxas, ay desididong tumakbo sa pagka – Pangulo. Halata naman sa mga campaign ads di ba? Tumakbo siyang Senador noong 2004, at siya ang nakakuha ng pinakamaraming mga boto.

Si Noynoy Aquino naman ay anak ng bayaning  si Ninoy Aquino at ng dating Pangulong Corazon Aquino. Tumakbo naman siyang Senador noong 2007, kung saan siya’y pang – anim sa mga Senador na nanalo.

Okay naman sana si Mar, pero inayawan ko siya nang maaga siyang nagpalabas ng kanyang mga campaign ads. Tapos nagkaroon pa ng part II ang una niyang ad. Kung hindi sana siya maagang nangampanya, baka mas marami pa ang magustuhan siya bilang ating susunod na Pangulo.

Boto naman ako kay Noynoy, mapa – Presidente o Bise Presidente man. Alam kong totoo ang kanyang hangarin para sa ating bansa, at alam din naman nating lahat na hindi siya gagawa ng mga bagay na ikakahiya ng mga magulang niyang sina Ninoy at Cory, na parehong nasa langit na.

Pero kung ako ang papipiliin, mas gusto kung pagpapalitin silang dalawa. Mas gusto ko ang tandem na Aquino – Roxas. Noynoy Aquino bilang Pangulo at Mar Roxas bilang Bise Presidente. Mas gusto ko kasi si Noynoy at naniniwala ako na malinis ang kanyang hangarin, na kaya niyang baguhin ang takbo ng ating bansa ngayon.

Advertisements

5 Responses to “Mar Roxas – Noynoy Aquino Para sa 2010?”

  1. […] Bise Pangulo? O mas pabor ka sa Aquino – Roxas loveteam tandem? Nauna ko nang sinabi sa post kong ito na pabor ako sa Aquino – Roxas, pero matapos ang ilang araw ng pagsasaliksik at panonood ng […]

  2. wala namang mga alam yan eh.. lalabas lng kapag eleksyon.

  3. WALANG ALAM ANG MGA YAN LAHAT YAN PA POGI LANG

  4. mas gusto sila sa politica kaya sila anak ng parehong pulitiko ehh

  5. alam ko pogi sila ehh


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: