Miriam Santiago sa ‘Maagang Pangangampanya’: “*@&#^$%!”

miriam“Pasayaw-sayaw pa, ang puti na ng buhok niya! Hindi ba nakakahiya ‘yan, nakakawala ng respeto sa ganoong uri ng opisyal sa publiko?”

Yan lang naman ang komento ni Senador Santiago kay TESDA Chairman Syjuco.

Napanood ko na lang sa balita ang tungkol sa mga sinabi ni Senador Miriam Defensor Santiago tungkol sa mga maagang campaign ads ng mga nagbabalak tumakbo sa 2010. Natawa ako sa mga komento niya, lalo na sa komento niya kay Chairman Syjuco ng TESDA. Laughtrip.

Ayon sa Commision on Audit, nasa P28.3 milyon ang halaga ng kanyang campaign ad, hindi pa daw kasama dito ang napakamahalan na pagpapalabas ng ad sa telebisyon. Hindi biro ang halaga ng pagpapalabas ng ad sa telebisyon, lalo na sa campaign ad dati ni Manny Pangilinan, yung Ako Mismo, na ipinalabas pa ng sobra sobra noong laban ni Pacman. Sobrang sayang.

Ang dami na sanang nagawa at natulungan sa halagang iyon. Sinasayang lang niya. Imbes na suportahan tuloy siya ng mga tao ay umaa – – ay, oo nga pala, gusto na ulit ng mga tao sa campaign ads, ‘di ba nga, mataas sina Villar at Mar sa ratings dahil sa campaign ads?

“Sobrang kapal ng make – up”

Yan naman ang kanyang komento sa campaign ad ni DILG Secretary Ronaldo Puno. Halos isang milyon na ang halaga ng kanyang campaign ad, pero hindi ko alam kung may talent fee ba ang batang yumakap sa kanya pati na rin ang lalaking nagsasalita sa kanyang ad na napakalambing ng boses. Hahaha! “Kapag maganda ang puno, maganda ang bunga”. Nice naman!

Sana hindi na lang sila naglalabas ng mga campaign ads. Patunayan na lang nila at ipakita ang kanilang mga nagawa pero hindi sa pamamagitan ng campaign ads. Nakakaasar kasi, oo malapit na eleksyon, pero %^&*@, ang aga niyo pa rin mangampanya, kung nagamit lamang ang mga pondo na ginamit nila sa pangangampanya, nakatulong pa sila sa mga kailangang tulungan.

Advertisements

12 Responses to “Miriam Santiago sa ‘Maagang Pangangampanya’: “*@&#^$%!””

  1. ayos yan.

    kung minsan masaya rin na andun si miriam sa senate (kasi nae entertain tayo. hehe).

  2. at dahil close tayo, nilagay din kita sa blog roll ko.

  3. ..nabasa ko din yan sa inquirer. tawa ko ng tawa. sayang nga di ko pa napapanuod yung actual vid. hehe.

    ..ayos yan. astig nga eh. para naman kahit papano may isang miriam na may lakas ng loob para magsalita ng mga ganyang katotohanan. apir! :p

  4. buti nga sa kanila. puro sila pa-cute. yun ang maganda kay miriam.. kapag gustong tumira, titira at titira! gud!

    sobrang tuwa ako sa mga nakalagay dito sa blog mo..add kita sa links ko ha. salamat.padayon!

  5. If Meriam’s head could come up into something, it is either a funny reprimand or a crazy entertainment….. I like her perspectives and views [IN FAIRNESS].

  6. pranka sya.. walang nakakalusot sa mga kahit anong palusot.. hehehe..

    • Matalino si Miriam, magaling mag English at magsalita. At wala naman akong masasabi pagdating sa pamumulitika nya dahil… bakit nga ba wala ako masabi sa kanya. Basta sa English magaling sya.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: