Paano Magkakaisa ang Oposisyon? May Villar, Roxas, Erap…

erap2Mapipilitan daw siyang tumakbo sa pagka – Pangulo sa 2010 Presidential Elections kung hindi magkakaisa ang oposisyon sa isang kandidato. Dahilan niya lang ‘yon, halata namang may paghahangad talaga siyang tumakbo muli sa pagka Pangulo pagkatapos niyang palayain sa kasong Plunder.

Palusot pa siya eh, halata namang nagdadahilan lang siya. Alam naman kasi niyang maraming maghahangad tumakbo sa pagka Pangulo, lalo na sa oposisyon.

Tingnan mo si Villar, tinitira ng tungkol sa C5 Extension Road Project nina Lacson, Madrigal at Roxas, bawat isa sa kanila’y naghahangad maging Pangulo, maliban na lang kay Lacson, na nagback out, pero gusto na ulit pero sa pagka Bise Pangulo na lang.

Napaka imposible talaga nang sinasabi na ‘magkaisa ang oposisyon’. Palusot na lang din niya na ‘kapag hindi nagkaisa sa iisang kandidato ang oposisyon ay mapipilitan siyang tumakbo sa pagka Pangulo. Dahilan niya na lang iyon dahil alam naman niyang hindi magkakaisa sa iisang kandidato ang oposisyon.

At kapag tumakbo ulit si Erap? Tatakbo ulit yan sigurado. Pero sana maging wais naman ang mga botante. Plunder, mga tagong yaman, sugal at kung anu – ano pang kalokohan. Sana talaga, sa darating na 2010, tingnan ng mga botante ang mga ‘backgrounds’ ng mga naghahangad maging susunod na lider ng ating naghihirap na bansa.

Advertisements

3 Responses to “Paano Magkakaisa ang Oposisyon? May Villar, Roxas, Erap…”

  1. base ba? hehehe.

    nako sa panahon ngayon tlagang mahirap na magdecide kung sino talaga ang nararapat. hmmmm

    tayo nalang kaya kuya mag Run? trip lang? heheh! apir! :p

  2. Sana lang e maging matalino na tayo sa pagpili ng su2nod na pangulo

  3. mahirap magkaisa ang isang grupo na ayaw naman talagang magkaisa.

    parang yung lumang kasabihan lang…. mahirap gisingin ang nagtutulug-tulugan.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: