Mar Roxas Boto Kay Noynoy Aquino (?)

mar-noynoyMainit pa rin ang balita ukol sa pag urong ni Mar Roxas sa karera sa 2010 Presidential Elections. Ini – urong na niya ang kanyang kandidatura para magbigay ng daan sa maaaring pagtakbo ni Senador Noynoy Aquino bilang Pangulo. Ayaw niya daw kasing mahati ang Liberal Party. Kung kayat umurong na lamang siya.

Kung babasahin niyo ang mga bagay tungkol sa kasaysayan ng mga ama nilang dalawa, na sina Gerry Roxas at Ninoy Aquino, ay mapapansin niyong nauulit lang ang nangyayari dati.

Ang ama ni Mar na si Gerry Roxas ay desididong tumakbo bilang Pangulo, ngunit mas mabango at mas sikat ang pangalan ng ama ni Noynoy Aquino na si Ninoy Aquino. Muntikan pa ngang magkaroon ng lamat ang pagkakaibigan ng kanilang mga ama dahil lamang sa bagay na iyon.

Pero to the rescue naman si Ferdinand Marcos, na nagdeklara ng Martial Law para mapahaba ang termino, at dahil doon ay hindi na nagkalamat ang pagkakaibigan nilang dalawa, dahil wala na namang magaganap na eleksyon. Naulit ang dati ‘di ba? Ang pagkakaiba lang ay umurong na si Mar Roxas.

Ibig sabihin ba ng mga sinabi ko kanina ay kapag nagdesisyon muling tumakbo si Mar ay magkakalamat na ang relasyon nila ni Noynoy? AT PARA WALANG AWAY AY TO THE RESCUE NAMAN SI ARROYO!? Huwag naman sana. Huwag… HUWAG!!!

Ikaw, mambabasa, anong gusto mo? Gusto mo bang si Mar Roxas ang tumakbo bilang Pangulo at si Noynoy bilang Bise Pangulo? O mas pabor ka sa Aquino – Roxas loveteam tandem? Nauna ko nang sinabi sa post kong ito na pabor ako sa Aquino – Roxas, pero matapos ang ilang araw ng pagsasaliksik at panonood ng telebisyon, maraming reklamo rin ukol kay Noynoy. Maaaring hindi siya maging salot sa lipunan tulad ni Arroyo, pero marami ang nagtatanong ukol sa kakayahan niyang mamumo. Kung hindi mo pa alam, magsaliksik ka rin. At ngayon, hindi ko pa rin alam kung sino ba ang karapat dapat na maging susunod na Pangulo…

Advertisements

7 Responses to “Mar Roxas Boto Kay Noynoy Aquino (?)”

  1. wehhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh di nga totoo nga ba

  2. i am very sorry po talaga kasi akala ko po ito ung ka chat ko di po pala iam very sorry po talaga………………………………………………………………………..

    plzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz po patawarin nyo po ako

  3. sorry po talaga kasi po napadpad po ako dito sa website nato dahil my assignment po ako di ko po sadya talaga plzzzzzzzzzz patawarin nyo po ako

  4. tang ina ano bang ka chat k

  5. sa katunayan gusto ko po talaga kayong ibotong dalawa. ITO LANG PO ANG SASABIHIN KO SA INYO YOU CAN YOUR BEST….. NNINIWALA PO AKO NA KAYANG KAYA NYO YAN BOTO PO AKO SA INYONG DALWA

    SA LAHAT NG TAO SA MUNDO PLZ VOTE NOYNOY AQUINO FOR PRESIDENT AND SENATOR MAR ROXAS FOR VICE PRESIDENT

    LORD MARAMING MARAMING SALAMAT PO DAHIL MY GINA WA KAYONG MGA MABUTING TAO SA MUNDOKATULAD PO NI SENATOR NOYNOY AT SENATOR MAR BANTAYAN NY PO SILA SA KANILANG MGA GAGAWIN PATAWARI NYO PO SLA KUNG MAY NAGAWA SILANG KASALANAN ALM KO RIN PO NA MATATAMA NILA ANG NAGAWA NILANG MALI
    AMEN.

  6. SORRY POHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH……………..

  7. Hi this is Klaire but call me”Raevian” gusto ko po sa darating na eleksyon
    si mar roxas ang maging presindente hindi namn sa ganun na nag rereklamo po ako
    pero kung saan ang boto doon nalang rin ako……


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: