Mar
26

Kapapanood ko lamang sa balita ang kanilang rason sa hindi pagdalo sa gaganapin sanang Harapan: The Tandem Debate.

Ayon kay Mar Roxas, dahil hindi naman daw hindi dumalo sina Villar at Gibo, wala na rin daw saysay ang gaganaping debate kung kaya’t hindi na rin sila dadalo.

Parang sinabi na rin niya na wala namang kwenta ang mga natitira.

Baka hindi nila kilala ang tandem na Gordon – Bayani. Para sa akin, sina Gordon at Bayani ang pinakamagaling magdebate!

Naging biased lamang ang ABS CBN kung kaya’t ang lumabas na magaling ay si Mar Roxas.

Mar
26

Umatras na rin ang pinakamayamang tandem sa Harapan:  The Tandem Debate!

Sa tingin ko ay may dalawa silang rason kung kaya’t napagpasyahan nilang hindi na dumalo sa debate.

Una, si Villar ay hindi marunong sumagot sa mga tanong. Madalas mong marinig ang mga salitang “sipag at tiyaga” kahit wala naman itong koneksyon sa tanong.

Ikalawa, si Legarda ay tila kinawawa sa nakaraang Vice Presidential Debate, kung saan pinag harap ng ABias CBN sina Mar at Loren para lalong umangat si Mar Roxas, ang manok hindi lang ng Liberal Party, kundi pati na rin ng ABias CBN o mas kilala natin bilang ABS CBN.

Mar
26

Gibo – Edu Tandem, Duwag?

Mar
26

Paano nga ba naging representative ng mga security guards si Mikey Arroyo?

Totoo bang representative siya ng mga security guards?

O ginagamit lang niya itong dahilan para dumami pa ang kampon ni Lucifer Gloria Arroyo sa kongreso?

Para ba ito suportahan ang pagiging House Speaker ni Gloria Arroyo at maging Prime Minister kung sakaling manalo ang manok niyang SINA Gibo at Villar?

Gising mga tao! Huwag suportahan ang mali!

Mar
21

Kawawa naman itong si Arnel Pineda. Pati na rin yung ibang kumanta ng ating Pambansang Awit sa laban ng ating Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao kay Joshua Clottey.

Parang lahat ng kumakanta, nirereklamo ng NHI. Baka gusto nila sila kumanta?🙂

Siguro sa susunod ni Pacquiao dapat wala nang kumanta ng Lupang Hinirang.

Pero mas maganda kung magreretiro na si Pacman, para wala nang makakasuhan pa ang National Historical Institute.

Mar
21

Magkano nga ba ang mga nagastos na ni Villar sa mga celebrity endorsers pa lang niya?

Idagdag mo pa ang gastos niya sa campaign ads niya sa telebisyon at sa radyo.

Idagdag mo pa ang kalat kalat niyang mga posters at tarpaulins.

Pati yung orange na bandilang nakasabit sa mga tricycle na may nakalagay na “Manny Villar for President”.

Idagdag mo pa ang binabayad niya sa Pulse Asia at SWS. Ohaaa!

Mar
21


Isang nakatutuwang poster mula sa Wag Na Lang.

Hindi mo alam kung napilitan lang ba si Sarah na iendorso si Loren Legarda eh 🙂

Pero sa totoo lang, nabago ni Villar ang pagtingin ko kay Sarah Geronimo.

Dati, ang tingin ko kay Sarah ay isang napakabuting ehemplo para sa lahat.

Pero dahil binayaran “daw” siya ni Villar para lang makuha ang kanyang endorso, nabago na ang lahat.

WASAK.

Sep
19

Mapapansin niyo siguro na ang tagal kong walang bagong post. Yan ay dahil sa napakadaming gawain sa eskwelahan. Nakakatuwang isipin na may panahon pa rin ako magkompyuter kahit na ang daming assignment sa bawat araw.

Pero wala akong panahon magblog dahil hindi ako makapagblog kapag pagod ang isip ko. Feeling ko kasi, pag magba – blog ako na pagod ako ay parang napipilitan lang ako magblog, at ayaw ko naman nun. Siyempre gusto ko, kapag ako ay nagbablog ay masabi ko ang gusto na parang nagkukwento lang ako sa inyo, at hindi dahil pinilit niyo ko na magkwento tungkol dito at tungkol doon.

Ang dami nang bagong balita. Ang dami nang bagong kaganapan. Updated ako sa bawat pangyayari, pero nawawalan ako ng gana magblog tungkol sa mga bagay na yon. Failure of Elections, kakulangan ng kuryente sa eleksyon, mga palusot at dahilan ni DOE Secretary Angelo Reyes, katatapos lang na recount sa Pampanga, pagka – urong ng kasalang Mar at Korina, pati ang nangyari kay Taylor Swift, alam ko at updated ako. Pero wala talaga akong ganang magblog. Buti ngayon ay ginanahan. =P

Sep
19

Nakasulat sa “napakareliable” na Wikipedia na ang susunod na pangalan ng nobela ni Bob Ong (na paborito kong manunulat) ay “Tandang Makata”. Nakasulat ito sa gilid sa kanan. Hindi muna ako magiging excited tungkol dito dahil hindi ko naman alam kung totoo nga ang nakalagay sa Wikipedia dahil kahit sino naman ay maaaring mag – edit dito.

Maganda ang Kapitan Sino. Para sa akin, ang Kapitan Sino ang pinakamaganda niyang libro. Sana ang susunod ay maganda rin. =]

kap

Sep
10

Nasa kanan siya. Nasa kanan mo siya. Hindi ko ako nagbibiro… tumingin ka sa kanan. Ngayon na. Bilis…

Gumawa ako ng Twitter upang malaman ng mga mambabasang interesado sa aking blog ang mga nangyayari kung bakit laging malaki ang agwat ng mga posts ko. Masyado kasi akong abala dahil sa taping mga gawain sa eskuwela. Nandyan ang katatapos lamang namin na final exams at ngayon ay patong patong na naman ang mga proyektong ibingay sa amin.

Halata naman na ang aking blog ay nagmumukha ng political blog dahil puro tungkol sa politika ang mga nakalagay. Huwag kayong mag – alala, medyo magiging tala – arawan o diary ko na rin ito. Kung may Twitter ko ay salakayin mo rin ang Twitter ng Isang Panata para updated ka sa mga nangyayari sa aking blog, sa mga tapings ko, sa bago kong album at pelikula at iba pa.